MGA UNIVERSIDAD SA CABANATUAN
Dito sa Nueva Ecija sa Bayan ng Cabanatuan City ay nagsulputan ang mga Nursing Schools at iba bang paaralan at Universidad. Alam ko na napagmamasdan ninyo ang bawat sulok at kalye ng Cabanatuan na maraming nagkalat na ibat ibang uniporme dahil nga sa nagkalat na mga baong skwelahan. Ngunit sa kabila ng mga ito ay, marahil hindi natin napapansin na madami na ang problema na kinahaharap natin sa kasalukuyan sa pag dami ng mga Paaralan pang edukasyon dito sa Nueva Ecija. Ang tanging nakikita lamang natin dito ay dumadami at mas lumalaki ang pondo ng ating lunsod dahil sa mga ito.
Sa kabila ng pag dami ng mga Universidad at kolehiyo dito sa Cabanatuna ay madami nang mga Studyanteng nalilito kung saan ba sila dapat mag-aaral, yan ang mga bagay na hindi natin napapansin at higit sa lahat, hindi natin napagtutuunan ng pagpapahalaga. At napakasama ng ipekto nito sa mga magaaralan ng Nueva Ecija. Kagaya nalang ng mga Nursing students ng ibat ibang paaralan dito sa Nueva Ecija. Bumababa ang Level ng Pagtuturo at Kalse ng pagbibigay kaalaman at consentrasyon sa mga studyante dahil sa dami ng ibat ibang uri ng pagtuturo ng mga paaralan dito sa Nueva Ecija. Sa aking Susunod na tatalakayin ay ipapakita ko sa inyo ang LEVEL ng Edukasyon dito sa Nueva Ecija. At ang Mga kumpletong Detalye. Sana po ay Subaybayan ninyo ang aking mga Panulat at asahan ninyo na pagbubutihan ko pa ang pagsisilbi sa inyo at sa mamayang Novo ECIJANO…
Friday, October 10, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

1 comment:
Tama ka dyan kuya i want to follow your blog... Mabuhay po
Post a Comment